Mga Programang Pang-edukasyon ni Vice-Governor Bojie Dy III, Ipinagmalaki!

*Ilagan City, Isabela –* Ipinagmalaki sa kanyang huling State of the Province Address (SOPA) ni Vice Governor Elect Faustino “Bojie” G. Dy III ang malaki umanong pagbabago sa larangan ng edukasyon sa Lalawigan ng Isabela.

Iginiit nito sa kanyang SOPA na tumaas ang literacy rate ng Lalawigan dahil na rin sa mga iba’t-ibang programa gaya ng BRO for Education Program na malaking tulong sa mga mag-aaral.

Dahil dito, bumaba aniya ang unemployment rate sa Lalawigan mula sa 4.4 percent noong 2010 sa 2.2 percent noong nakaraang buwan ng Disyembre.


Tiniyak naman ng bise Gobernador na kanilang ipagpapatuloy ang mga nasimulang programa at proyekto para sa mas maunlad na Lalawigan.

Facebook Comments