Tinanggap na ni House Ad Hoc Committee on Military and Uniformed Personnel (MUP) Pension Reforms Chairman and Albay Representative Joey Salceda ang mga mungkahi ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro Jr., ukol sa MUP Pension Reform Bill.
Kabilang dito ang 100% indexation sa lahat ng retirado at magreretirong MUP at ang pagsingil ng 9% contribution sa mga bagong pasok lamang sa serbisyo kung saan ang 12% ay babalikatin ng gobyerno.
Sabi ni Salceda, dahil dito ay madadagdagan ng 1.2 trillion ang actuarial reserve deficiency na nasa 2.2 trillion sa ilalim ng nabuong substitute bill ng komite.
Diin ni Salceda, trabaho nya na maging bukas sa lahat ng stakeholders at anumang suhestyon ukol sa MUP pension system ay mainam na pag-usapan sa gabinete.