Isa pang Pinoy senior citizen, patay sa Hawaii wildfire

Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Usec. Eduardo de Vega na isa pang Filipino senior citizen ang namatay sa wildfire sa Maui, Hawaii.

Kinilala ni De Vega ang 76 taong gulang na biktima na si Rodolfo Rocutan.

Batay sa pagberipika ng DFA sa kanyang passport, lumalabas na kaka-renew lamang nito ng Philippine passport sa Philippine Consulate noong nakalipas na taon.


Nakikipag-ugnayan na ang Konsulada ng Pilipinas sa pamilya ng biktima para sa kaukulang tulong.

Una nang kinumpirma ng kanilang mga kaanak ang pagkamatay sa Hawaii wildfire ng mga Pinoy na sina Alfredo Galinato, 79 yrs old at mag-inang Conchita Sagudang at Danilo Sagudang.

Facebook Comments