Mga prosecutor, tatanggap pa rin ng kaso kaugnay sa BSKE ngayong holiday – DOJ

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na nakahanda ang lahat ng provincial at city prosecutors para tumanggap ng mga kaso na may kinalaman sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, walang naka-day off na mga piskal sa buong bansa ngayong weekend at kahit mismong sa araw ng halalan.

Ang mga Prosecutor’s ang tatayo bilang mga Provincial at City Board of Canvasser sa panahon ng halalan.


Nakahanda rin daw ang mga pisklaya na magsagawa ng inquest proceedings kahit weekend para sa mga kasong kinalaman sa eleksyon.

Facebook Comments