Mga protesters para sa anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law bukas, naghakot ng mga kasama?

Manila, Philippines – Inaalam na ngayon ng Philippine National Police kung totoo ang natanggap na impormasyon na naghahakot ang mga protesters ng kanilang mga makakasama sa gagawing kilos protesta bukas mula pa sa Mindanao at Visayas.

Ayon kay PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa nakatanggap sila ng impormasyong naghire ng anim na barko ang mga protester para isakay ang mga na-recruit na kasamahan.

Inaasahan na raw ito ng PNP dahil halos walang nahihikayat ang mga raliyista na makiisa sa kanilang kilos protesta dito sa Luzon.


Sa ngayon mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng PNP sa mga lugar kung saan isasagawa ng mga kilos protesta.

Ayaw na raw kasi ni PNP Chief na maulit ang nangyari sa Kidapawan kung saan nahaluan ng mga miyembro ng New People’s Army ang rally.

Hanggang ngayon nanatili aniya naka full alert ang PNP para matiyak na magiging payapa ang mga gagawing activities sa pagdiriwang bukas ng anibersaryo ng deklarasyon ng martial law sa bansa.

Facebook Comments