Mga proyekto at programa ng pamahalaan para sa patuloy na pag-unlad ng Mindanao, inilatag ni PBBM

Inilatag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang mga proyekto at programa ng pamahalaan para sa Mindanao.

Sa kanyang pagbisita sa Tawi-Tawi, inanunsyo ni Pangulong Marcos ang ilan sa mga proyekto tulad ng Improving Growth Corridors in Mindanao Road Sector Project.

Sa ilalim nito, tatlong tulay ang gagawin sa Tawi-Tawi na makatutulong sa pangangailangan sa transportasyon at pagpapaganda ng hanapbuhay ng mga tao doon.


Tuloy-tuloy rin aniya ang social development programs ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) gaya ng Pantawin Pamilyang Pilipino Program 4Ps na nakasentro sa kalusugan at edukasyon ng mahihirap na pamilya.

Gayundin ang Quick Response Fund at KALAHI-CIDSS Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay, na nagbibigay ng ayuda at trabaho sa panahon ng kalamidad.

At ang Bangsamoro Umpungan sa Nutrisyon o ‘BangUn’ na layong tugunan ang malnutrisyon ng mga bata, mula sa pagbubuntis ng mga kababaihan.

Facebook Comments