Naging pangunahing panauhin kaninang umaga si Dr. Amir Aquino sa regular na UP-UP Cagayan Valley na ginaganap sa headquarters ng Tactical Operations Group 2 kada Linggo kung saan ay naging tampok ang mga gawain ng DepEd sa naturang media forum.
Sa kanyang naging presentasyon sa harap ng mga mamamahayag at gayundin sa kanyang mga tugon sa mga tanong ng media ay kanyang binigyan diin ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng lahat ng mga ahensya ng gobyerno at pribadong sektor sa kanilang ahensya.
Aniya, hindi naging hadlang ang pandemya sa pagpapatuloy ng pag aaral ng mga estudyante na kung saan ay ilang buwan nalang ang hinihintay at matatapos na ang kasalukuyang taong panuruan.
Laking pasasalamat din ng mga kaguruan at kanila ding naitaguyod ang pagtuturo sa taong ito gamit ang ibat ibat paraan.
Dagdag pa niya na sa pamamagitan ng ang pagpapatuloy na mga progressive expansion program ay mayroong mga naidagdag na mga paaralan na nagsasagawa ng face-to-face classes bagamat limitado parin ang bilang ng mga estudyante na pumapasok sa kanilang mga paaralan.
Ngayon buwan ng Abril ay mayroong 565 na mga paaralan sa boong lambak Ng Cagayan na sumali sa limited face to face classes.
Marami pang mga paaralan Ang kasalukuyan nilang kinukumpirma kasabay ng pagsuri sa mga requirements at dokumentasyon para matiyak ang kahandaan ng mga ito para sa pagpapanumbalik ng face to face classes.
Katuwang din nila aniya ang mga LGU’s sa ginagawang validation. Samantala, sa kanila namang outreach program na classhome ay mula sa 96 beneficiaries mula sa Sinundungan valley ay mayroong tatlong mga paaralan na kinabibilangan ng Masi Elementary school, San Juan Integrated School at Bural Integrated School ang nagbibigay asiste sa mga benepisyaryo.
Mula sa mga paaralan na ito ay mayroong Isang mag aaral na kasalukuyang tinutulungan ng Philippine airforce sa pamamagitan ng financial assistance at malapit ng makapagtapos sa Senior High School.
Mula inilunsad ang project class home ay wala pang naitalang mga drop out Mula sa 96 na kabuuang bilang ng mga mag-aaral at umaasa ang pamunuan ng DepEd na lahat ng mga mag aaral dito ay makapagtapos sa kanilang pag aaral dahil ito ang kauna unahang grupo na makapagtapos sa naturang programa.
Ang mga benepisyaryo ng class home ay mula sa mga dating rebelde o kapamilya nila na nais makapag aral sa pamamagitan ng serbisyong haytis ng DepEd region 2.