20 smugglers ng agricultural products, iniimbestigahan ng National Intelligence Coordinating Agency

98

Nasa 20 smuggler umano ng mga gulay, prutas at iba pang produktong agrikultural ang iniimbestigahan ng National Intelligence Coordinating Agency o NICA.

Inihayag ito ni NICA Director Edsel Batalla sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole na pinamunuan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Ayon kay Batalla, kasama sa 20 ang apat na binanggit ni Sotto na kinabibilangan ng mga pangalang Manuel Tan, Andrew Chang, Luz Cruz alyas Onion Queen at Jun Diamante.


Nilinaw naman ni Batalla na ang nabanggit na mga pangalan at ang iba pang kasama sa listahan ng NICA ay isasilalim pa sa berepikasyon at imbestigasyon.

Ayon kay Batalla, ang nabanggit na mga personalidad ay protektado umano ng mga opisyal ng Department of Agriculture at Bureau of Customs.

Facebook Comments