Bibili ang pamahalaan ng advertisement spaces sa mga pangunahing payagahan sa bansa para ilathala ang mga proyekto ng gobyerno kasama ang mga nanalong bidders nito.
Sa kaniyang televised address, sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang ilathala ang government contracts, kabilang ang mga may kaugnayan sa public works and highways, transportation at irrigation facilities, para sa kaalaman at impormasyon ng publiko.
Nais din ng Pangulo na mailathala ang listahan ng government projects na kasalukuyang nasa ilalim ng negosasyon at mga nakumpleto na.
Maaaring mabasa ng publiko ang progreso ng government projects kapag nailathala na ito sa mga diyaryo.
Bago ito, inatasan ni Pangulong Duterte ang mga government agencies na isapubliko ang kanilang mga nagastos sa kada 15 o 30 araw.
Ang bagong direktiba ng Pangulo ay bahagi ng kanyang anti-corruption campaign.