Mga proyekto sa Datu Abdullah Sangki bumuhos

Sinimulan na konstraksyon ng ibat ibang mga proyekto sa bayan ng Datu Abdullah Sangki Maguindanao.

Kinabibilangan ito ng Land Mark Ark, Public Terminal at 100 housing units ayon pa sa impormasyong ipinarating ni Odjie Balayman, Admin Officer ng DAS sa panayam ng DXMY.

Sinasabing patapos na ang arko na bubungad sa mga motorista na papasok sa bayan habang inaasahang sa buwan ng October ay magagamit na rin ang public Terminal dagdag ni Admin Balayman.


Samantala sinimulan na rin ang pagpapatayo ng 100 housing units sa dalawang barangay ng bayan, nagmumula ang pundo mula sa ARMM Bridge . Nakatakda na rin ang pagpatayo ng bagong Municipal Hall sa sentro ng bayan.

Ang mga proyekto ay base na rin sa naging inisyatiba ng 2nd termer na alkalde ng DAS Bai Mariam Sangki Mangudadatu giit naman ni Balayman.

Pinasalamatan naman ng mga opisyales ng DAS ang kanilang mga kasamahan sa LGU at mga kababayan na walang sawang sumusuporta sa kanilang mga adhikain para sa kanilang bayan.

Matatandaang kabilang ang Datu Abdullah Sangki na awardee ng Seal Of Good Local Governance noong nakaraang taon.

LGU DAS Pics


Facebook Comments