Mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build Program ng administrasyon, kapiranggot pa lang ang naipapatupad

Manila, Philippines – Dismal failure o isang kabiguan para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Build, Build, Build Program ng administrasyong Duterte.

Ito ay makaraang lumabas sa budget deliberation ng Senado na halos dalawang porsyento o siyam pa lang sa 75 flagship project sa ilalim ng Build, Build, Build Program ang sinimulan na ang konstruksyon.

Duda si Drilon na sa nalalabing mahigit dalawang kalahating taon ay may matatapos pang malalaking proyektong pang-imprastraktura ang pamahalaan.


Bilang solusyon ay neribisa na ng National Economic and Development Authority o NEDA ang Build Build Builld Program.

Inaantabayanan ng Senado ang bagong 100 flagship infra projects ng NEDA kung saan inalis na umano ang mga big tickets projects na malabo nang magawa.

Facebook Comments