Naniniwala si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na posibleng ma-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga proyekto sa ilalim ng 2021 national budget na hindi kasama sa prayoridad ng gobyerno.
Ayon kay Cayetano, kung hindi ilalagay sa pambansang pondo ang tamang priorities at uunahin ang pork projects ay hindi malabong i-veto ng Presidente ang mga proyekto.
Kumpyansa naman si Cayetano na pipiliin ng mga myembro ng bicameral conference committee na mag-invest sa mga prayoridad na proyekto kumpara sa mga pork projects.
Matatandaang umaalma ang mga kaalyado ni Cayetano sa Kamara dahil sa ginawang pagtapyas sa pondo ng infrastructure projects sa kanilang distrito habang ang pondo naman ng mga kakampi ni Speaker Lord Allan Velasco ay nadagdagan para sa 2021.
Kahapon ay sinimulan na ng bicam ang pagbusisi sa mga ipinasang bersyon ng Kamara at Senado na ₱4.5 trillion na pambansang pondo sa susunod na taon.
Plano naman ng bicam na tapusin sa Biyernes ang pagsasa-ayos sa budget para malagdaan ito ng Pangulo bago matapos ang buwan Disyembre.