Philippine Red Cross, nag-deploy na ng mga tauhan kaugnay ng pagputok ng Bulkang Kanlaon

Nagpadala na ng mga tauhan ang Philippine Red Cros sa Negros kasunod ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon.

Ayon kay Red Cross Secretary General Dr. Gwen Pang, nagpadala na rin sila ng mga kagamitan sa pag-rescue at ng mga pagkain at inuming tubig para sa mga inilikas na residente.

Tumulong din ang Red Cross sa paglilikas sa mga residenteng nakatira sa 4-kilometer radius zone ng Bulkang Kanlaon.


Sa ngayon, daan-daan nang mga residente sa Negros ang inilikas.

Facebook Comments