Mga public hospital doctors, i-e-exempt sa salary standardization law

Manila, Philippines – I-e-exempt sa Salary Standardization Law (SSL) ang mga public hospital doctors para mabigyan ng mas malaking sweldo ang mga ito.

Sa House Bill 460 o An Act Granting Exemption to Medical Doctors from the Coverage of RA 6758 o SSL na inihain ni Masbate Representative Elisa Kho, layunin nitong mabigyan ng competitive salary ang mga public hospital doctors sa bansa upang mahikayat ang mga ito na hindi na mag-abroad.

Layunin din ng panukala na solusyunan ang problema sa kakulangan ng health workforce at makapagbigay ng quality healthcare at serbisyo sa mga Pilipino.


Batay sa datos ng Professional Regulation Commission, mayroon lamang 72,000 na lisensyadong doktor sa buong bansa kung saan isang doktor sa kada 10,000 pasyente habang sa mga probinsya ay nasa isang doktor sa kada 33,000 na tao ang ratio.

Malayo ito sa standard ratio ng World Health Organization (WHO) na 1:1000.

Inaatasan ang Department of Health (DOH) na magsagawa ng pag-aaral, review, revision, adjustment at siya ring magpapatupad sa comprehensive at competitive salary structure ng mga government doctors.

Sakop ng comprehensive salary ang mga public hospital doctors na kumpleto ng employment requirements at documents sa kanilang government service at nakapasa sa Board Examination of Medical Doctors.

Facebook Comments