Halos 80 percent nang kumpleto ang rehablitation ng public infrastructure sa most affected area sa Marawi City.
Ito ang iniulat ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Task Force Bangon Marawi Chairman Eduardo del Rosario matapos niyang inspeksyunin ang mga natapos na infrastructure projects sa itinuturing na kaisa-isang Islamic city sa bansa.
Ipinagmalaki ni Del Rosario ang konstruksyon ng dalawampu’t apat na barangay complex.
Matatagpuan ang mga ito sa Datu Naga, West Marinaut, Datu Sa Dansalan at Moncado Kadingilan.
Aniya, pinakamaganda ito sa buong bansa dahil maliban sa health station ay mayroon itong madrasah o eskwelahan.
Binisita rin ni Del Rosario ang bagong pinagandang Islamic houses of praise, ang White Mosque at Masjid Marinaut.
Pinabilis ang konstruksyon ng naturang mga mosque alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.