Mga public officials na sangkot sa iregularidad ng kontrobersyal na Manila Bay reclamation projects, dapat na makasuhan – Sen. Escudero

Pinatitiyak ni Senator Chiz Escudero na masasampahan ng nararapat na kaso ang mga public officials o indibidwal na mapapatunayang sangkot sa kontrobersyal na Manila Bay Reclamation Projects.

Suportado ni Escudero ang desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na suspendihin ang ongoing reclamation projects sa Manila Bay maliban sa isa matapos na makatanggap ng mga ulat na may problema sa implementasyon nito.

Aniya, kung sa imbestigasyon ay makitaan ng katiwalian o iregularidad ang paggawad ng environmental permits sa reclamation ay dapat na maitama ito kung maiwawasto pa alang-alang sa napakalaking investments na nakapaloob sa proyekto.


Ipinunto ni Escudero na tiyakin lamang na wala itong masamang epekto sa ating kalikasan gayundin sa kaligtasan at kaginhawaan ng mga taong posibleng maapektuhan nito.

Sakali namang makansela o maisaayos pa ang isyu ay marapat lamang na masampahan ng kaso at papanagutin sa batas ang mga opisyal at indibidwal na sangkot upang hindi na pamarisan ng iba.

Facebook Comments