Mga public school teacher, may matatanggap na insentibo

Makakatanggap ng 1,000 pesos na insentibo ang bawat public school teacher.

Ito ay bilang pasasalamat sa kanilang dedikasyon at pagpupursige sa kanilang trabaho

Ayon sa Department of Education (DepEd), ang insentibo ay ilalabas simula sa Oktubre a-singko, kasabay ng World Teachers’ Day.


Naging posible ang insentibo sa pamamagitan ng Republic Act 11260 o General Appropriations Act.

Hindi naman sakop ng insentibo ang mga public school teacher na wala na sa serbisyo mula September 30.

Hindi rin mabibigyan ng benefit ang mga gurong may paglabag sa kanilang trabaho mula September 30, 2018 hanggang September 30, 2019.

Ang mga natanggap lamang sa trabaho pagkatapos ng September 30 ay hindi rin saklaw ng benepisyo.

Facebook Comments