Mga Public Utility Vehicle Operators, hinikayat ng DOTr ng maglagay ng watawat bilang tanda ng suporta sa Marawi City

Marawi City – Hinikayat ng Department of Transportation ang mga Public Utility Vehicle Operators na maglagay ng Philippine flag sa mga PUV para magpakita ng support sa tropa ng Pamahalaan sa Marawi City.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade magdi-display din ng Philippine Flag ang lahat ng DOTr Agencies sa bansa.

Paliwanag ng kalihim sa pamamagitan umano nito ay maipapahayag ang pagkilala ng taumbayan sa mga magigiting na sundalo na naiipit sa bakbakan.


Hinikayat din ni Tugade ang publiko at mga netizen na ipakita ang kanilang pagiging makabayan.

Paglilinaw naman ng DOTr, ang kanilang paghimok sa pagdi-display ng watwat ng bansa ay hindi naman labag sa batas.

Partikular nilang binanggit ang Republic Act 8491 na kilala bilang Flag and Heraldic Code of the Philippines na nagsasaad ng Prohibited Acts sa paggamit ng watawat.

Facebook Comments