Mga pamilihang di umano’y nagbebenta ng pekeng bigas, binisita ng National Food Authority

202

Manila, Philippines – Inaksyunan na agad ng pamunuan ng National Food Authority kung saan ay tinungo na rin ng NFA Enforcement Officers ang Litex Market sa Commonwealth Quezon City na nagsabing may nakabili rin ng pekeng bigas.

Ayon kay NFA Administrator Jason Lauriano Aquino, maging ang NFA Field Offices sa Boronggan Samar, Dumaguete at Cebu ay pinuntahan din ang mga nagpakalat ng balitang nakabili ang mga tao roon ng fake rice.

Paliwanag ni Aquino, gaya ng ginawa sa Taguig City, isasailalim din ng NFA sa Laboratory Analysis ang mga nakuhang sample ng bigas para alamin kung ito ba ay kontaminado ng anumang kemikal na maaaring maging pekeng bigas.


Facebook Comments