hinikayat ni outgoing President Rodrigo Duterte ang mga militar at pulis na ipagpatuloy ang Kampanya kontra iligal na droga sa bansa.
sa kaniyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na nababahala siya dahil patuloy pang dumarami ang mga drogang nakukumpiska ng mga awtoridad sa ngayon.
Nakakatakot aniya na mas pinipili ng ilang tao na gumawa ng iligal dahil sa pera.
Matatandaang noong Marso ay umabot sa ₱12 billion ang halaga ng shabu na nakumpiska ng mga awtoridad mula sa sampung indibidwal.
Ayon sa Pangulo, nagpapasalamat pa rin siya sa mga sundalo at pulis dahil patuloy silang nagtatrabaho para tapusin ang problema sa illegal drugs kahit na may mga ilan silang tauhan na nasasangkot din dito.
Kasunod nito, sinabi pa ng Pangulo na umaasa siyang itutuloy ng bagong administrasyon ang war on drugs na kaniyang sinimulan.
Una nang inihayag ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos na bukas siya na kunin si Pangulong Duterte bilang kaniyang drug czar.