Mga pulis-Caloocan, sasailalim sa Balik sa Kampo Program ng PNP

29

Manila, Philippines – Sasabak sa Balik sa Kampo Program ng Philippine National Police ang mga pulis na sinibak sa Caloocan City.

Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, sasailalim sa retraining ang mga nasibak na pulis Caloocan sa ilalim ng kanilang “Balik sa Kampo Program”.

Sinabi naman ni Albalayde na kanila pang tinitignan kung saan huhugutin ang mga ipapalit sa mga nasibak na pulis.

Posible aniyang abutin ng hanggang sa susunod na linggo bago masibak ang buong pwersa ng Caloocan PNP.

Facebook Comments