Autopsy report sa bangkay ng 16 anyos na si Michael Angelo Remecio, ilalabas ngayong araw

49

Manila, Philippines – Inaasahang ilalabas na ngayong araw ang autopsy report sa bangkay ng 16 anyos na si Michael Angelo Remecio na narekober sa isang sapa sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Ayon kay Supt. Fitz Macariola, hepe ng San Jose del Monte, Bulacan, nagsagawa sila ng DNA test at kumuha na rin sila ng swab sample mula sa pamilya nito at inaasahang lalabas ang resulta sa loob ng 15 araw.

Kahit kinilala na kasi ng ama ni Michael ang suot na damit ng kanyang anak, hindi muna nila aniya ito maaaring ibigay sa pamilya hangga’t wala pa ang resulta ng DNA test.

Nabatid na nananatili ang bangkay sa faith funeral sa San Jose del Monte, Bulacan.

Facebook Comments