Walang mangyayaring pilitan sa hanay ng Philippine National Police (PNP) para magpaturok ng anti-COVID-19 vaccine.
Pero ayon kay Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Guillermo Eleazar, sa ngayon nagsasagawa na sila ng information dissemination sa mga pulis para mahikayat ang lahat na magpabakuna.
Sa kasalukuyan aniya mayroon nang 700 na mga PNP personnel ang boluntaryo nang nagpahayag na nais nilang magpabakuna.
Sila ay babakunahan ng COVID-19 vaccine na Pfizer.
Ayon pa kay Eleazar, 63% sa hanay ng PNP ang nagpahayag na magpapabakuna kahit anong brand pa.
Nagpapatuloy aniya ang paghikayat sa lahat ng pulis at umaasa si Eleazar na lahat ng miyembro ng PNP ay magpapabakuna para mas magampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin ngayong may pandemya.
Tiniyak din ni Eleazar na nakahanda ang PNP sa posibleng pagkakaroon ng side effects sa mga mababakuhan na nakabatay sa Department of Health (DOH) guidelines.