Mga pulis, hindi pwedeng magparusa ng physical exercise sa mga lalabag sa curfew

Nilinaw ng tagapagsalita ng Philippine National Police na walang karapatan ang mga pulis na parusahan ng physical exercise ang mga mahuhuling lalabag sa curfew ngayong umiiral ang Enhanced Community Quarantine.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Ildebrandi Usana na bagama’t makabubuti sa kalusugan ang ehersisyo ay hindi pwedeng mag bigay ng ganitong sanctions ang PNP.

Paliwanag ni Usana, batay sa ibinabang direktiba ni PNP Chief General Debold Sinas ay hindi dapat hulihin ang mga lalabag kundi bibigyan lamang ng warning at pagmumultahin kung may ordinansa.


Matatandaang isang lalaki ang nasawi sa General Trias, Cavite matapos utusan namag-pumpings nang 300 beses dahil sa paglabag sa curfew.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng Provincial Director ng PNP si Police Lt. Col. Marlo Solero habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagkamatay ng biktimang si Darren Peñaredondo.

Facebook Comments