Mga pulis, huwag marahas sa pagpapaalis sa mga miyembro ng KADAMAY

Manila, Philippines – Nakiusap ang Makabayan sa Kamara na huwag idaan sa dahas ang pwersahang pagpapa-alis sa mga myembro ng Kadamay na umookupa sa mga housing units sa Bulacan.
 
Iginiit ng mga militanteng kongresista na alisin ang pwersa ng mga pulis para maiwasan ang tension.
 
Hirit nila ACT Rep. France Castro at Antonio Tinio na lagyan ng suplay ng tubig at kuryente gayundin ng sanitation ang mga bakanteng housing units kasama na ang sa Bulacan.
 
Para kay Gabriela Rep. Arlene Brosas, ipinapakita lamang ng occupy Bulacan kung gaano kabigat ang problema sa sistema ng pabahay sa bansa kung saan may mahigit 5 milyong informal settlers.
 
Hindi maintindihan ng kongresista kung bakit napapabayaang nakabakante ang mga units ng matagal na walang umookupa agad gayong maraming nangangailangan ng matitirahan agad.


Facebook Comments