Sandiganbayan, inabswelto ang dalawang kapwa akusado ni dating palawan Gov. Reyes sa kasong katiwalian

38
 
Manila, Philippines – Inabswelto ng sandiganbayan ang dalawang opisyal
Ng department of agriculture na kapwa-akusado ni dating palawan gov. Joel reyes kaugnay ng fertilizer fund scam.
 
Sa 14 na pahinang resolusyon, pinagbigyan ng anti-graft court special 5th division ang motion to quash na inihain nina da oic rodolfo guieb at da regional exec dir dennis araullo na nahaharap sa kasong graft.
 
Tinukoy ng Korte sa  desisyon ang kabagalan ng Ombudsman na labag sa karapatan ng mga akusado sa speedy disposition ng kanilang kaso.
 
Halos 3 taong natulog ang kaso sa Ombudsman mula August 2011 hanggang April 2014.
 
Hindi tinanggap ng Korte ang argumento ng prosekusyon na masyado umanong masalimuot ang kaso kaya maraming records na kailangan ng masusing pagsusuri.
 
Inakusahan sina Guieb at Araullo na nakinabang sa maanomalyang pagbili ng 3.2 million pesos na halaga ng liquid fertilizers mula sa masaganang ani para sa Magsasaka Foundation Inc. nang walang public bidding.
 

Facebook Comments