Mga pulis, inatasang makipagtulungan sa LGUs para matukoy ang mga lugar na papayagan ang mga bata

Ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar sa lahat ng police commanders na makipag-ugnayan sa mga local chief executives para matukoy ang mga lugar na papayagan ang mga batang nasa edad 5 pataas.

Ito ay kasunod ng pagluwag pa ng restrictions sa ilang bahagi ng bansa batay sa inilabas kahapon na bagong quarantine status.

Sa kasalukuyan, pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force ang mga batang nasa 5 pataas sa open spaces sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ.


Kasunod nito, ipinag-utos din ni Eleazar ang pagkakaroon ng presensya ng mga pulis sa mga lugar na pwede ang mga bata para matiyak na nasusunod ang minimum public health safety protocol.

Facebook Comments