Rekomendasyon na taasan ang kapasidad ng mga negosyo at establisyimento, posible ayon sa Palasyo

Hinimok ng Palasyo si Presidential Adviser on Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion na sumulat sa Inter-Agency Task Force kaugnay sa kaniyang mga mungkahi para sa mga business establishments.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay upang pag-aralan ng task force ang mga mungkahi ni Concepcion na payagan nang itaas ang kapasidad ng mga papayagan sa loob ng establisyimento.

Pero ito ay kung sakaling umabot na sa 80 percent ng mga empleyado ang naturukan na ng COVID-19 vaccine.


Paliwanag ni Roque, handa namang makinig ang IATF at naniniwala siyang ikokonsidera nila ang mungkahi ni Concepcion.

Samantala, sa ngayon ay nananatiling limitado ang kapasidad ng mga establisyimento dahil sa patuloy na banta ng virus.

Facebook Comments