Mga pulis, ipapakalat para tiyakin ang seguridad ng 3 araw na National Vaccination Day

Titiyakin ng Philippine National Police (PNP) ang mas mahigpit na seguridad sa gagawing tatlong araw na National Vaccination Day laban sa COVID-19.

Sinabi ito ni PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF) Commander Police Lt. Gen. Joselito Vera Cruz.

Ayon kay Vera Cruz, kagaya ng mga nakalipas na bakunahan, magpapakalat sila ng sapat na pwersa para tiyaking maayos ang bakunahan.


Sa ngayon, pinag-aaralan pa kung ide-deploy rin ng PNP ang mga miyembro ng PNP Medical Reserve Force para maging vaccinator pero anumang oras ay nakahanda aniya ang mga ito.

Nabatid na gagawin ang National Vaccination Day sa November 29, 30 at December 1.

Gagawin ito para makapagpabakuna ang 5 milyong Pilipino nang sa ganun mapataas pa ang population protection laban sa COVID-19 ng bansa.

Facebook Comments