Mga pulis, ipinakalat sa labas ng House of Representatives at ilang bahagi ng Commonwealth

166

Nakaalerto ang mga taohan ng Quezon City Police District (QCPD) at force multiplier mula sa QC Local Government Unit para magbantay sa seguridad sa paligid ng House of Representatives.

May mga military truck na nagdala ng mga Certificate of Canvass at Election Return sa House of Representatives.

Iniisa-isa ito ng sergeant of arm umapang matiyak na tama ang mga balotang tinanggap mula sa Senado.


Posibleng tatlong oras tatagal ang pagtanggap sa mga Certificate of Canvass at Election Return.

Bukas ay inaasahang magsisimula ang bilangan para sa pangulo at pangalawang pangulo.

Kasabay nito, nakaantabay ang mga otoridad sa posibleng lighting rally ng mga militanteng grupo.



Simula sa CHR sa Commonwealth hanggang Batasan ay makikita ang maraming pulis na dineploy para magbigay ng seguridad.

Facebook Comments