Mga pulis, isasailalim ulit sa training ng Philippine National Police para hindi na maulit ang nangyari kina Kian Loyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz

Manila, Philippines – Gustong isailalim ulit ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa ang mga pulis sa pagsasanay o training.

Ayon kay Dela Rosa, ito ay para maiwasan ang mga katulad na kaso ng pagpatay kina Kian Loyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz.

Aniya, ang PNP dapat mismo ang magsanay sa mga pulis para maging maganda ang kalalabasan ng training ng mga ito at maging mabuting pulis.


Kailangan din aniya ng re-training sa mga pulis dahil sa pisikal na katayuan nito.

Sabi pa ni Dela Rosa, kapwa Police Officer 1 pa lang sina Jeffrey Perez at Ricky Arquilita pero ang tyan ng mga ito ay pang-Senior Police Officer 4 na.

Facebook Comments