Misis ni Vice Mayor Luis Marcaida III, iginiit na tinaniman ng ebidensya ang kanyang mister

Puerto Princesa City, Philippines – Naniniwala ang misis ni Puerto Princesa City Mayor Luis Marcaida III na itinanim lang ang mga baril at iligal na droga na nakuha sa kanilang bahay.

Ayon kay Monette Marcaida, pinasok ng apat na armadong lalaki ang kanilang bahay bandang 3:30 ng madaling araw ng lunes bago dumating ang raiding team.

Posible aniyang iniwanan ng mga armadong lalaki ang mga nakuhang baril at droga sa kanilang bahay.


Puwersahan din aniyang pinasok ang kanilang bahay at dinala sila sa ikalawang palapag kung saan sila pinadapa.

Pagkalipas aniya ng ilang minuto ay umalis na ang mga armadong lalaki at saka naman dumating ang raiding team na pinangunahan ni Supt. Enrico Rigor ng Philippine National Police Drug Enforcement Group.

Itinanggi naman ni Rigor ang mga pahayag ni Mrs. Marcaida at sinabing dumating sila sa bahay bandang alas kwatro ng madaling araw para isilbi ang warrant.

Facebook Comments