Tatapikin ng Malacañang ang serbisyo ng Philippine National Police (PNP) para sa pagtunton ng mga indibidwal na nagkaroon ng contact sa COVID-19 patients.
Ito ang pahayag ng Palasyo kasabay ng pagpapaigting ng contact tracing efforts ng pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mahalagang maraming contact tracers ngunit sa paraang makatitipid ang pamahalaan.
Inihalimbawa ni Roque ang ginawa ni Baguio City Mayor at Tracing Czar Benjamin Magalong kung saan ginamit lamang niya nag mga pulis para sa contact tracing.
Pero aminado si Roque na hindi pa tiyak kung gaano karaming police officers ang gagawa ng tracing.
Una nang sinabi ng Department of Health (DOH), na kailangan ng pamahalaan ng 150,000 contact tracers.
Facebook Comments