Magde-deploy muli ang Philippine National Police (PNP) nang kanilang mga tauhan para magsilbing miyembro ng Special Board of Election Inspectors (SBEI) sa special elections sa 12 barangay sa Tuburan, Lanao del Sur sa darating na Mayo 24.
Ito ang inihayag ni PNP Director for Operations PMaj. General Valeriano de Leon, kasabay ng pahayag na mahigpit ang koordinasyon ng PNP sa Commission of Elections (COMELEC) at AFP para matiyak na hindi magkakaroon ng “failure of elections” sa mga naturang barangay.
Matatandaang noong Mayo 9, humigit kumulang isang libong pulis ang nagsilbing SBEI sa Cotabato City at ilang lugar sa Maguindanao dahil sa “Security concerns”.
Ayon kay De Leon, gumagawa na sila ng plano para mapigilan ang paggamit ng mga tiwaling politiko ng mga “flying voters”.
Siniguro naman ni De Leon na hindi makakalusot ang mga “flying voters” sa mga pulis na magsisilbing SBEI dahil sanay na ang mga ito sa pag-screen ng mga botante.