Nai-turn over na COC’s sa Senado, nasa mahigit 86% na

54

150 Certificates of Canvass o COCs ng mga boto para sa pagka-presidente at bise presidente ang nai-turn-over na sa Senado ngayong araw.

Katumbas ito ng 86.71-percent sa kabuuang 173 COC’s na inaasahang maitu-turn over sa Senado bago simulan ang official canvassing ng Kongreso.

Ang latest COC’s at election returns na natanggap ng Senado ay mula sa lalawigan ng Cebu Province.


Kasama rin dito ang COCs at ERs ng overseas absentee voting na isinagawa sa Spain, Greece, Hungary, Poland, Laos, Vatican City, Norway at New Zealand.

Nakatakdang mag-convene ang Senado at Kamara sa May 24 bilang National Board of Canvassers na magsasagawa ng canvassing ng mga boto at proklamasyon ng nanalong presidente at bise presidente.

Facebook Comments