Mga pulis na ayaw magpabakuna kontra COVID-19, ililipat lang ng assignment

Ipinaliwanag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Dionardo Carlos ang kanilang “no jab, no work policy.”

Aniya, iginagalang nila ang karapatan ng mga pulis na ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 at hindi naman nila ito pipilitin.

Ililipat lang daw nila ng assignment ang mga pulis na hindi bakunado sa low risk na trabaho kasama rito ang pagbibigay sa kanila ng administrative work.


Sinabi pa ng PNP chief, on duty status pa rin ang mga pulis na hindi bakunado pero hindi na sila itatalaga sa mga local police station.

Papayagan naman silang makapasok sa kampo depende sa sitwasyon.

Batay sa ulat ng PNP Health Service, halos lahat ng mga pulis ay bakunado na maliban na lang sa 1,808 na tauhan.

299 ang ayaw magpabakuna dahil sa medical reason, 194 dahil sa allergies at ang nalalabi naman ay buntis at dahil sa religious belief.

Facebook Comments