Mga pulis na binanggit ni P-Duterte na sangkot sa iligal na droga, sinang-ayunan ni PNP Chief Dela Rosa

Manila, Philippines – Tama ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa ang datos na hawak ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa bilang ng mga pulis na sangkot sa iligal na droga.

Matatandaang sa statemet ng pangulo sinabi nyang syam na raang pulis ang sangkot sa iligal na droga sa buong Pilipinas.

Noon aniya batay sa kanilang datos nasa 2 poryento lamang ng 175 libong tauhan at opisyal ng Phil. National Police ang sangkot sa iligal na droga ngayon aniya kung pagbabatayan ang syam na raang pulis na sinasabi ng pangulo aabot na ito sa limang porsyento.


Pero nilinaw naman ni Gen. Bato na ang syam na raang pulis na ito hindi sindikato sa halip sangkot lang dahil sa posibleng pagpapabaya sa kanilang trabaho kahit talamak na ang transaksyon ng iligal na droga sa kanilang area of responsibility.

Sinabi pa ni PNP Chief na ang syam na raang pulis na ito ay compilation ni Pangulong Duterte mula sa NBI, NICA, PDEA, Civilian intelligence at iba pang intelligence services.

Sa ngayon ayon PNP Chief patuloy nilang tinututukan ang mga pulis na sangkot sa iligal na droga.

Sa katunayan aniya sunod-sunod ang mga pulis na naaresto ng PNP Counter Intelligence task force

Gusto man daw nilang pagpapatayin ang mga pulis na pasaway sa organisasyon ay hindi nila ito gagawin dahil ito ay iligal.

Facebook Comments