Isang 12 taong gulang na batang babae ginahasa ng kapitbahay sa Brgy. Cagniog, Surigao City

Isang 12 taong gulang na batang babae ginahasa ng kapitbahay sa Brgy. Cagniog, Surigao City. Sa nakuhang impormasyon ng RMN, ang 12 taong gulang na batang babae ang nagsumbong sa PNP Women and Children’s Desk na siya’y ginahasa ng kapitbahay habang wala ang kanyang mga magulang at kapatid lamang ang kasama. Sa sumbong ng menor de edad, madaling araw noong Linggo habang sila lamang dalawa ng kapatid, pumasok ang suspek na kinilalang si Arjun Waway Donis at ginahasa siya. Nang isagawa ang follow up operation ng PNP, nahuli si Donis na nagtatago sa kanilang bahay sa Brgy. Cagniog. Ngayong araw, nakatakdang sampahan ang suspek ng kaso sa panggagahasa.

Facebook Comments