Iniulat sa Senado ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na natukoy na nila ang 10 pulis na dumukot sa master agent ng e-sabong.
Ayon kay PNP-CIDG Director Chief Brig. Gen. Eliseo Cruz, ang mga pulis na sinasabing dumukot kay Ricardo Lasco noong August 30, 2021 ay nakatalaga sa intelligence branch ng Laguna PNP na matatagpuan sa Sta. Cruz, Laguna.
5 aniya sa mga ito ay natukoy na ng mga testigo.
Sa ngayon ay kino-consolidate na ang mga nakalap na testimonya ng mga testigo at ang mga nakalap na ebidensya para sa pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek.
Itinanggi naman ng 2 sa mga natukoy na pulis na sina Patrolman Roy Navarette at Staff Sergeant Paghangaan na may partisipasyon sila sa pagkawala ni Lasco.