Mga Pulis Na Hindi Sumipot – Haharap Sa Karagdagang Kaso!

10

MANILA – Nilinaw ngayon ng Philippine National Police na tuloy pa rin ang pagsasampa ng kaso laban sa mga police scalawags na iniharap sa Malacañang kahapon.Sa kabila ito ng utos ni Pangulong Duterte na pagpapatapon sa kanila sa Mindanao.Sa press briefing sa camp crame kanina, binigyang-diin ni PNP Spokesperson Sr/ Supt. Dionardo Carlos na ang pagre-assign sa mga tiwaling pulis sa Mindanao ay hindi bilang parusa kundi bahagi ng programa ng PNP.Samantala, karagdagang kaso naman ang kakaharapin ng mga pulis na hindi pumunta sa palasyo kahapon.

Facebook Comments