Mga pulis na infected nang COVID-19, mahigit 4,000 na

Nadagdagan pa ang mga pulis na positibo sa COVID-19 na ngayon ay umaabot na sa 4,068.

Batay sa ulat ng Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO), kahapon ay may panibagong 64 na mga pulis ang infected ng COVID-19.

40 sa mga nagpositibo ay nakatalaga sa National Capital Region, tig-apat sa PRO 3 at PRO 4A, tig-tatlo sa National Administrative Support Unit o NASU, NOSU, at PRO 6.


Tig-dalawa sa National Headquarters at PRO Cordillera habang tig-iisa sa PRO 1, PRO 5 at PRO BAR.

Pero good news, dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 2,806 na ang gumaling habang inoobserbahan pa ang 718 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,960 na pulis ang suspect case ng COVID-19.

Nanatili naman sa 16 na pulis ang naitatalang namatay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments