Manila, Philippines – Hindi matatanggal sa listahan ng Phil. National Police ang mga pulis na itinalaga sa Negros Island Region o Region 18.
Ito ay matapos ang inilabas na Executive Order no. 38 ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang Negros Island Region.
Ayon kay USec. Catalino Cuy ng DILG, ibabalik lang sila sa kani kanilang rehiyon.
Aniya ang Negros Oriental ay babalik sa Region 7 o Central Visayas na ang sentro ay Cebu.
Habang ang Negros Occidental ay babalik sa Region 6 o Western Visayas na ang sentro ay sa Iloilo City.
Sinabi ni Cuy na ang mga Opisyal ng PNP ay kailangan lang mailagay uli sa line up dahil may mga opisyal nang nabigyan ng promotion sa pagkatatag ng NIR Region.
Facebook Comments