Mga pulis na kasama sa drug list ni PRRD hindi papangalanan ng PNP

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na huwag ilabas ang pangalan ng mga pulis na kasama sa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PNP Chief Police General Archie Gamboa, hindi nya papangalanan ang 357 mga pulis na hinhinalang sangkot sa iligal na droga dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa mga ito.

Apela pa niya sa sa media, respetuhin ang kanyang hiling at huwag nang silipin ang mga personsalidad na kanilang iniimbestigahan.


Posible kasi aniyang maapektuhan ang magiging desisyon ng pangulo sa pagtugon sa isyu kapag kumalat na ang pangalan ng mga nasa drug watchlist.

Kaugnay nito isang buwan ang inilaan ni PNP Chief na deadline sa evaluation ng mga pulis na pasok sa drug watchlist at ang paghahayag ng pangalan ng mga ito ay ipinauubaya ni Gamboa sa pangulo.

Facebook Comments