Mga pulis na mahuhuling gumagamit ng naka impound o narekober na sasakyan masisibak sa serbisyo

Mahaharap sa kasong administratibo at masisibak sa serbisyo ang sinumang pulis na mahuhuling gumagamit ng recovered o impound vehicles.

Ito ang babala ni PNP Officer Charge Lt General Archie Francisco Gamboa matapos ang utos ng Pangulong Rodrigo Duterte kay DILG Sec Eduardo Año na imbestigahan ang mga pulis na gumagawa nito.

Sinabi ni Gamboa, madadamay rin sa kaso ang mga chief of police na may tauhang gumagamit ng impound o recovered vehicles.


Ang mga sasakyang ito ay nasa kustodiya ng PNP dahil nakarnap, ebidensya sa krimen o kaya ay nasangkot sa disgrasya.

Inutos na rin ni Lt Gen Gamboa sa PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group O IMEG ma magsagawa ng imbestigasyon para matukoy ang mga pulis na gumagawa nito.

Direktiba rin ni Gamboa na agad na mag imbentaryo sa nasa 200 impounded o recovered vehicles.

Sa ngayon ay pinapagawa na rin ni Gamboa ang lahat ng unit commanders ng affidavit para masiguro na walang sinumang lalabag sa kautusan.

Facebook Comments