Mga pulis na masasanay tumanggap ng regalo, posibleng maging kurakot at abusado

Manila, Philippines – Umapela si Senator Francis Kiko Pangilinan sa kapulisan na panatilihin ang hindi pagtanggap ng regalo o anumang pabor mula sa sinuman.

Nangangamba si Pangilinan na maging maging abusado at kurakot ang mga pulis at hindi na kikilos kung walang padulas.

Pahayag ito ni Pangilinan, makaraang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na okay lang tumanggap ng regalo ang mga pulis mula sa sinuman na nagpapasalamat at natutuwa sa kanilang trabaho.


Ayon kay Pangilinan, sa ganitong gawi ay posibleng kilingan lang ng pulis ang mga mayayaman na maraming pampadulas.

Dahil dito ay magiging kawawa aniya ang taumbayan lalo na ang mga mahihirap na walang maibibigay sa mga otoridad.

Facebook Comments