Mga pulis na matataba na hindi gumawa ng paraan magbawas ng timbang, binantaang ipapadala sa Marawi City

Manila, Philippines – Nagbanta si PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa sa mga pulis na matataba na hingi gumagawa ng paraan upang magbawas ng timbang na kanyang ipapatapon sa Marawi City kung saan nagpapatuloy pa rin ang gulo.

Ang pahayag ay ginawa ng PNP Chief makaraang tanggapin ang 500 thousand pounds challenge kaugnay sa programang Mission Slim Possible.

Sa kanyang speech, sinabi niyang mas mabuting hindi lang magaling sa trabaho ang mga pulis sa halip dapat nakikita rin ng publiko na sila ay physically fit o mga slim.


Kaya naman kung hindi makikiisa sa programang ito ang mga pulis na mabibigat ang timbang.

Mas maigi aniyang ipatapon nalang sa Marawi City para pumayat.

Inihalimbawa kasi ni PNP Chief ang nangyari sa anim na pulis na naipit ng halos dalawang linggo sa gulo sa Marawi City matapos maubusan ng bala ang kanilang baril ay pumayat ang mga ito.

Aminado naman si PNP Chief na mahirap sa mga pulis ang magpapayat dahil malimit daw silang naiimbita sa mga handaan na ayaw naman nilang tanggihan dahil baka mapahiya ang nag-iimbita.
DZXL558

Facebook Comments