Inihayag ngayon ni Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO) Chief Brig. General Red Maranan na hindi muna makatatanggap ng mid-year bonus ang mga pulis na may kinakaharap na mga kaso at mga nagsislbi ng parusa bilang bahagi ng disciplinary policy ng PNP.
Ang pahayag ay ginawa ni PBrig. General Maranan, matapos na ianunsyo ni PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr., ang pag-release ng mid-year bonus ng mga pulis.
Paliwanag ni Maranan na 7.54 na bilyong piso ang inilaan ng PNP para sa mid-year bonus ng 227,832 na active duty PNP personnel na katumbas ng kanilang isang buwang sahod.
Sa ulat ni PNP Finance Service Director Police BGen. Bowenn Joey M Masauding sa PNP chief, matatanggap ng mga kwalipikadong tauhan ng PNP ang kanilang mid-year bonus sa kanilang mga Landbank payroll account bukas, Mayo 18.
Sinabi naman ni Gen. Acorda na umaasa siya na ang pag-release ng mid-year bonus ng mga pulis ay makatutulong sa kanila para ipagpatuloy ang marangal na pagseserbisyo sa bayan.