27 na lugar sa bansa, posibleng makaranas ng danger level category na heat index ngayong araw ayon sa PAGASA-DOST

Patuloy pa ring makararanas ng mainit na panahon ang malaking bahagi ng bansa ngayong araw.

Sa inilabas na five-day heat index forecast ng PAGASA-DOST, nasa 27 na lugar kabilang ang Metro Manila, Pampanga, at Iloilo ang makararanas ng danger level category na heat index o init na nararamdaman ng isang indibidwal.

Sa ilalim ng danger level category, malaki ang tiyansang uminda ng heat cramps at heat exhaustion ang isang indibidwal at posibleng mahantong sa heat stroke kapag na-expose nang matagal sa arawan.


Papalo naman sa 46 degrees Celsius ang pinakamataas na heat index ngayong araw partikular sa Masbate at Daet, Camarines Norte.

Facebook Comments