Umabot na sa 219,625 o 98. 24 percent ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nabigyan na ng booster shot laban sa COVID-19.
Matatamdaang sinabi ni PNP public information office Chief PBGen. Roderick Augustus Alba na sinisikap ng PNP na makumpleto ang pagbibigay ng booster shot sa kanilang mga tauhan na fully vaccinated bilang karagdagang proteksyon.
Ito aniya ang dahilan kaya nakamit na ng PNP nitong nakaraang linggo ang kanilang target na zero COVID cases.
Ngunit, mayroon pa rin anyang pa-isa-isang iniuulat na bagong kaso ng COVID-19 ang PNP mula noong nakaraang linggo.
Ngayong araw batay sa ulat PNP Health Service, may isang bagong kaso lang COVID-19 sa PNP habang dalawa rin ang aktibong kaso.
Mula ng magsimula ang pandemya, nasa 48,733 na ang tauhan ng PNP na tinamaan ng COVID-19, kung saan 48,732 ang naka-rekober at 129 ang nasawi.