COMELEC, nagsagawa ng VCM demo sa isang mall sa Quezon City

38

Nagsagawa ngayon ng VCM demo ang Commission on Elections (COMELEC) sa SM North Edsa sa Quezon City.

Bahagi ito ng limang araw na mock voting exercise ng COMELEC na sabayang isinasagawa sa ibat ibang mall sa Metro Manila.

Layon ng COMELEC na maipakita sa VCM demo na ito sa mga mall goer ang tamang proseso ng pagboto sa pamamagitan ng automated election


Kasama sa VMC demo ang pagtuturo sa mga botante magmula sa tamang pagshade ng balota, pagfeed ng ballot sa VMC, at tamang pagkuha ng Voter Verified Paper Audit Trail o VVPAT.

Kasama sa mga nag-inspeksyon sa VCM demo ay sina Commissioner Aimee Ferolino at COMELEC Spokesman James Jimenez

Ayon kay Director Jimenez, maganda ang naging tugon ng mga tao sa VCM demo st marami ang nadalian sa proseso ng pagboto na kanila ring mararanasan sa darating na May 9.



Facebook Comments